Huwebes, Nobyembre 17, 2016
Jaime T. Buan Jr.
Repleksyon
Ang mensahe ng Butil ng kape ay waring isang parabula na syang pumukaw sa aking gunitang ispiritwal sa pagharap sa aking mga problema sa buhay. Naalala ko nung ako ay di pa isang Kristyano ay waring isang itlog ako na kalmadong humaharap sa problema ngunit sa pagtagal ay tumitigas ang aking kalooban at damdamin ng di ko nalalaman dahil sa pighating nadama at lumupit ang aking ugali pagdating sa hirap ng buhay. Naging manhid sa mga bagay at nakalimutan ang ideya ng pagiging sensitibo sa buhay. Hangang sa dumating ang panahon at nagkaroon ng pagkakataon na maging butil ng kape. Ang mensahe ng butil ng kape ay nagbigay sakin ng inspirasyon maging tagahawi ng ulap at tagadala ng liwanag sa kalangitang kulimlim. Ito ang pinakaangkop na pampagaan at pampasigla sa mga taong nahihirapan sa pagharap sa mga problema at sa mga taong kagaya ng butil ng kape ay isang kahanga-hanga at magiging isang inspirasyon sa lahat ng makakakilala sa kanila.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento