Buod
Isang araw,habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka,narinig nyang nagmamaktol ang anak na lalaki.Narinig nya na binabanggit nito ang hirap at pagond na kanyang nararanasan. Para sa kanyang anak ito ay hindi makatarungan. Sa pangyayaring iyon ay tinawag nya ang kaniyang anak at nagtungo sila sa kusina. Naglagay siya ng tubig sa tatlong palayok na nasa ibabaw ng apoy. Nang kumulo ang tubig ay naglagay sya ng isang carrot sa unang palayok, panagalawa ay isang itlog at ang huli ay butil ng kape. Tinanong niya ang kanyang anak sa tingin nito ay kung anong mangyayare, tanging tugon ng anak ay "maluluto" Sinabi ng kanyang ama na ang carrot sa una ay matiga, malakas na waring di natitinag subalit ng ilahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksyon sa likidong nasa loob ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala ang butil ng kape, nang ito ay mailahok ay natunaw ngunit kapalit nito ay ang karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. Alin ka dito sa kanila? Nais ng ama na ikintal ng kanyang anak sa kanyang isipan na may kumukulong tubig na katumbas ay suliranin sa buhay , na kapag ito ay kumatok sa iyong pintuan paano ka tutugon?, Ngumiti ang anak kasunod ang tugon na -"ako ay magiging butil ng kape katulad mo mahal na ama"

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento